T-Zone
Sa bawat araw ng iyong paglalakbay,
naranasan mo na bang makasaksi ng isang pangyayaring hindi mo akalaing
liligalig sa iyong imahinasyon? At sinong makapagsasabing ang mga karanasang
ito'y may hatid na mga-aral na tanging ang malalalik lamang mag-isip ang
makakaunawa?
Ordinaryong araw sa isang
estudyanteng gaya ko. Walang bago, dating gawi. Lakad, sakay, sakay ulit at
lakad. Ganito ang nakasanayan kong ''routine'' sa bawat araw na naglalakbay ako
patungo sa unibersidad ng mga ''iskolar ng bayan''. Tatlong taon ko nang
nakasanayan ang samu't saring pangyayaring humubog sa aking pagkatao ngaun.
First level. Mula bahay, maglalakad ako patungong sakayan ng dyipni, at kung
tatantsahin, mga kalahating kilometro ang layo, kasabay ang pakikipagpatintero
sa iba't-ibang uri ng sasakyan, pag iwas sa mga putik sa gilid ng kalsada matapos umulan at idagdag
mo pa ang pag iwas sa mga asong nakatali sa labas ng bawat bahay na aking nadaraanan.
Take note, dikit-dikit ang mga bahay sa kaslsadng dinaraanan ko, at bawat isa
may aso! Kung minsan nga'y naiisip kong maglakad nalang sa gitna ng kalsada,
pero syempre biro lang yon.
Second level. Sakay ng dyip. Parang
trip ko ngayong sumakay sa dyip na may sounds! Yung mga ''patok'' . Para hindi
ko na kailangang ilabas ang headset ko at para tipid na din sa battery ng
cellphone (hahaha). ''urong sa
kaliwa!, urong sa kanan!'', ''maluwang pa yan! Laging ginagamit!'', ''o lima
pa! Lima pa!''. Iyan ang mga sounds! Pinaka maingay na sounds sa tanang buhay
ko--ang boses ni manong konduktor. No choice, hindi na sunod ang trip ko.
Third level. LRT. Ayos, sa labas palang ang haba na
ng pila para sa inspeksyon ng mga gamit. Sunod, pila ulit sa bikihan
naman ng ticket. At iyan! Sarado nanaman ang bilihan ng pureza ticket, kaya sa
recto nanaman ako pipila, sayang piso! Style nila eh no? Takbo paakyat! Swerte,
ako nasa unahan, siguradong makakaupo ako ngayon (smiley). After 5 mins. eto,
nakayakap ako sa pole, ang dami ksing ''gentleman'' sa mundo. Kaya nga mga
nakaupo sila at yung mga babae nakakapit sa mga safety handrills. Napaka
maginoo nila hindi ba? ''arraiving at pureza station, paparating na sa pureza
station''. Sa wakas! Nasa pureza na ko.
Last level, lakad patungong
Kolehiyo ng Komunikasyon. Mbilis lang ang araw, papasok sa silid aralan, mag
aaral, tapos maya-maya, hindi mo mamamalayang gabi na at oras na ppara umuwi.
Ordinaryong araw, walang bago, dating gawi. Yan ang inakala ko. Kung sa paanong
paraan ko inumpisahan ang paglalakbay ko patungong eskwelahan ay sa kaparehong
paraan ko din tinatahak ang daan pabalik sa bahay, paglalakad. Matatapos na
sana ang araw ko bilang estudyante sa oras na makatapak ang mga paa ko sa loob
ng aming tahanan.
Matatapos na sana ang pa
giging estudyante ko ng araw na iyon sa oras na makatapak
ang mga paa ko sa loob ng aming tahanan.Siguro’y mga kalahating kilometro
nalamang ang layo ko noon mula sa aming bahay ng makasaksi akong isang
insidente. Ang aking tantsa ay mga sampung hakbang ang layo mula sa
kinaroroonan ko ay may nasagasaan.
Hindi ko alam ang kanyang kasarian at hindi ko rin alam ang aking
gagawin ng mga oras na iyon. Ang tanging alam ko lamang ay nagmamadali siyang tumawid
kaya marahil ay hindi niya napansin ang rumaragasang pribadong sasakyan. Nangilabot
ako ng may makita akong dugo mula sa kanya, at ang malala pa ay nangingisay na
siya.
Marami na akong nakitang ganito sa
kalsada na mga biktima ng “hit and run” at sa palagay ko’y mas malala pa nga
ang sinapit ng mga una kong nakita. Sapagkat mahihinuha mo mula sa hitsura ng
kanilang mga bangkay na wala na silang pagkakataon pang mangisay at mag
agaw-buhay tulad ng sa sitwasyon ngayon na aking na saksihan.
Tila na pako ako sa aking kinatatayuan
ng mga oras na iyon at hindi ko namalayangang
aking imahinasyo’y umabot na sa kawalan.
Ano nga pala ang aking gagawing aksyon sa sitwasyong tulad nito? Malalim
na ang gabi at bibihira ang mga sasakyan at taong nagdaraan sa kalsadang ito lalo
na sa ganitong oras. Natatandaan ko ang plate number ng pribadong sasakyan na
siyang may sala sa insedenteng ito. At nasisiguro kong may mataas na katungkulan
ang may-ari ng sasakyang ito. Uunahin
ko ba ang kapakanan ng iba o ang sarili kong kapakanan? Idadawit ko ba ang
sarili ko sa magulong batas na pinatupad ng tao? Makakayanan ko bang humakbang,
mag bulagbulagan, magsa walangkibo at ibaon na lamang sa ,limot ang lahat-lahat?
Kasabay ng pagkaputol ng hininga ng
nag aagaw buhay na biktima ang pagwawakas ng aking imahinasyon at pag sagot ko sa
sarili kong mga katanungan “OO, makakayanan kong mag bulagbulagan na tila walang
nangyari”. Bakit? Sapagkat nasisiguro
kong tulad ko, “OO” din ang magiging kasagutan nyo. Marahil ang pinagkaiba ko nga
lang ay nag laan ako ng oras upang mapagtanto ang ilang mga bagay-bagay.
Maihahalintulad ang sitwasyong natunghayan
ko sa isang pulubing biktima rin ng “hit and run”. Mabaho, marumi, walang kwenta
at walang may pakialam. Subalit siya ay tao pa rin. Kung mailalagay ang pulubing
ito sa kaparehong sitwasyong na saksihan ko ngayon, may maglalakas loob ba na
makialam? Lalo pa’t batid ng nakasaksi na isang makapangyarihan at may
katungkulan ang kanyang babanggain? Marahil hindi? Di ba? Mas gugustuhin mo na lang
na magkaroon ng tahimik na buhay. Ang pulubi na siyang halimbawa ko ay isang tao,
at ang nasaksihan ko ngayon ay isang daga. Subalit bakit tila sa huli’y pareho lamang
silang magiging kapalaran? Na isip ko tuloy kalebel na ba ngayon ng tao ang peste?
Nakukuha ko ba ang punto ko?
Ito ang sagot kung bakit nasabi ko kanina
na “OO, makakayanan kong magbulag bulagan at tila walang nangyari”. Subalit sa susunod
na maka saksi ulit ako ng isang insidente at kapwa tao ko na ang biktama,
sisiguraduhin ko na kahit anu pa man ang sitwasyon o kalagayan niya sa buhay,
isa man siyang kilala, dukha o isang hamak na pulubi lamang, sisiguraduhin kong
“HINDI” ang magiging kasagutan ko. Dahil hindi ako basta mananahimik na lamang
at magpapasindak sa kapangyarihan ng mas makatataas. Sapagkat kahit pagbali-baliktarin
mo man ang mundo, nilikha pa rin ng Diyos na mas mataas ang lebel ng tao kaysa sa
hayop na tulad ng daga.
- Mary Narvi Mupas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Komunikasyon