(Isang Pagmumuni-muni sa nakalipas, kasalukuyan at hinaharap)
-Luzviminda P. Daracan
Isang ordinaryong gabi para sa isang ordinaryong estudyanteng tulad ko. Wala namang bago. Sumakay pa rin ako ng jeep sa Cubao tulad ng iba pang mga pag-uwing nakasanayan ko. Nasa tapat na ako ng Eastwood ngayon ngunit hndi ko pa rin maalis sa aking isipan ang kagaganap lang ilang minuto ang nakalipas.
Punuan ang jeep. Ilang tuhod ang halos nkausli at ilang mga
puwit na ang hndi mailapat sa sobrang siksikan ng mga pasahero dito sa nasakyan
ko. May ilang sumabit na nga para makauwi na sa kanilang mga tahanan. Natatanaw
ko sa liwanag ng poste sa bintana ang sinag ng mga sasakyang naipit na naman sa
daan. Hndi nman rush hour. Pero
traffic. Umuulan kasi. Ewan ba kung bakit traffic pag umuulan. Dba nga dpat
mabilis ang byahe pagkat madulas ang mga daanan? Napapalamig ng hangos ng
hangin ang mapolusyong syudad. Kaso mainit pa rin, kaunti lang ksi kung pumatak
ang ulan. Ilang sandali nalang siguro titila na rin ito.
Photo by: Jiformales (Flickr) |
Dalawang bata katulad ng iba pang mga bata sa maynila ang
sumabit. Nasa pinkadulong upuan ako sa may babaan kaya kahit mga daliri lng ang
litaw sa pagsabit nila e alam ko agad na mga bata sila. Mga pipituhing taong
gulang yung isa, yung isa ata ay may dose na. Pareho silang lalaki, mga
nkayapak, may mga sugat. Sa tindig ng dalawa ay parang ksapi sila sa mga batang
ngtrabaho ng maaga. Hndi sila pinilit, hndi rin myembro ng sinindikato.
--
Umusad ng bahagya ang jeep nmin. Bumusina ng pagkatunog
tunog ang sa ami'y sumusunod na kotse.
Bata1: Putangina mo gago! Maghintay ka! Mamatay ka na ang
ingay mo! Hahaha.
Bata2: Pangasar ang puta. Sana madulas yan sa daan.
--
^Mga bata? Napabayaan ata.
--
Bata1: Dapat kasi kanina pa tayo umuwi
Bata2: (kroo-kroo-kroo)
Bata1: Napagalitan kanina si Je pano kasi laro ng laro, wala
ka nakita ko binugbog
bata2: lagi naman yun e, ano nilaro nya?
Bata1: yung sa computer, barilan. Ang galing nga e. May mga
sumasabog
bata2: sakanila? Oh may computer sila?
Bata1: Oo meron. Yung sa computer, parang calculator, yun
pnaghampas skanya.
--
Gumuhit pataas ang labi ko. Musmos pa nga sila.
Dati kahoy ang pamalo. Dos por Dos o kaya kawayan. Naranasan
ko rin ang tsinelas. Alpombra ang pinakamaskit, pati yung rambo. Pati nga ang
sinturon. Yun sigurado naglalatay, kinabukasan na pero nanakit pa. Nagyon
hi-tech na, Keyboard. Ano kayang sakit ang pagkakapalo gamit ang keyboard?
--
Traffic.
Photo by: Gunther Deichmann |
B2: Tara maglakad na tayo. Hnhntay ako ni nanay
B1: Layo pa. (sabay baba sa pagkksabit)
B2: Baka hndi pa ubos paninda nun...
B1: Tulungan nlang natin. Tayo maglako.
--
Hmm. Napabayaan nga, ngunit hndi nakalimutang paalalahanang
maging mabuting anak sa mga magulang. Mabuting anak pero hindi pa mabuting halimbawa. Mahuhubog pa sila.
Mayroon talagang mga ganoon, ano? Yung pumipili ng
nirerspeto. Yung nangingilala ng pangingilagan. Bata pa kasi. Hndi pa alam ang
mga gingawa.
Hahayaan kitang mag-isip kung anong nangyari sa dalawang batang ito. Hahayaan kong maglakbay ang iyong diwa para ikaw ang magtapos ng kwewnto ko. Malay mo dahil sayo, maging mabuti na ang ibang mga musmos pa sa mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento