Huwebes, Agosto 23, 2012

Gusto mo rin DITO sa PUP

http://a6.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/376694_10150968860691087_1353135240_n.jpg
Taun-taon, maraming high school graduates ang naghahangad na makapag-aral sa iba't ibang sangay ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa buong bansa. Upang maging opisyal na mag-aaral ng PUP, marapat na ipasa ng isang aplikante ang Polytechnic University of the Philippines-College Entrance Examination (PUPCET). Sa kasamang palad, hindi lahat ay masuwerteng nakakapasa dito. At kung nakapasa man ang isang aplikante, nauubusan sila ng slot para sa iba't ibang kurso. Ito ang naging inspirasyon ng PUPian Lifestyle sa paggawa ng kanilang pinakabagong humurous shirt na may temang "Gusto Mo Rin Dito Sa PUP." Sa halagang P250.00, maari nang makabili nito. Sa Agosto 25 ang opisyal na petsa ng pagre-release ng damit. Ang PUPian Lifestyle ay tumatanggap din ng pre-orders. Bisitahin lamang ang http://preorder.pupianlifestyle.com/. Maaaring ibigay ang kabayaran sa pamamagitan ng BDO, PS Bank, LBC Remit Express, Cebuana Lhuiller, Western Union at Credit Cards / Paypal.

Source: PUPian Lifestyle
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150968860691087&set=a.116956191086.112376.100954206086&type=3&theater



-- Marlon Reyes

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento