Linggo, Setyembre 16, 2012

“TWIRLY SWIRLY”



BOOM BEEZ!


                        It was a sunny day at EARIST UNIVERSITY. Then I found a store which is a not far from the University, and the store’s name was “TWIRLY SWIRLY”. The owner of this stall is Mr. Stanley H. Uy. Siyempre pag narinig natin ang TWIRLY SWIRLY, ang unang pumapasok sa isip natin na tinitinda nila ay ICE CREAM which is very popular in a very hot day. Ang bestseller nila ay SUNDAE which only cost P15.00. And siyempre ang flavor ng SUNDAE ay chocolate, all time favorite ng mga estudyante.  Siyempre ang pinakamura nilang ice cream ay nagkakahalaga lamang ng siyete pesos (P7.00) at ang pinakamahal ay FRAPPUCINO at iyon ay nagkakahalagang kwareta pesos (P40.00).


                        Hindi lang ICE CREAM ang tinitinda nila sa kanilang tindahan, pati BURGER at PIZZA ay tinitinda din nila. Saan ka pa diba? At alam naman nating lahat na mayroong mga promo ito. Siyempre hindi mawawala ang BUY 1, TAKE 1 policy ng mga nagtitinda ng burger. Ang regular burger naman nila ay P22.00 lamang. Ang bestseller nila ay CHEESEBURGER na nagkakahalaga lamang ng P32.00 peso, siyempre BUY 1, TAKE 1 na yun. Yung PIZZA naman ay tinanggal nila kasi sabi ng nagbabantay na initerview ko, “madami kasing preparations at matagal talaga siya lutuin.

                        Pagdating naman sa mga customers, ito lang naman ang masasabi nila, “CUSTOMERS ARE ALWAYS RIGHT.” Kaya kung mayroon may mag-cocomplaint ay hinahayaan nalang nila at sinusunod nalang ang mga customers.

                        Lahat naman ata ng tindahan ay pumapatok. Nasa diskarte lang iyan at tiyaga ng mga tindero at tindera. Siyempre kailangan din ang tinitinda nila ay angkop kung saan sila nakapwesto. At sa pagkakataong ito, ang TWIRLY SWIRLY ay CERTIFIED BOOM BEEZ!


-          Mary Ann Dacara
Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Komunikasyon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento