Huwebes, Agosto 23, 2012

Buhay na Litrato


U -caught in the act
Ni: Mary Narvi V. Mupas
http://a6.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/376694_10150968860691087_1353135240_n.jpg

“Picture picture!” pag karinig palang ng mga salitang ito, unahan nang maghanap ng magandang pwesto, sisislip sa lente ang taga litrato, ay modern na pala ngayon! Pwede nang mag “picture picture”, click mo lang ang “timer”, sabay takbo at siksik sa umpukan kung saan tatama ang “flash” ng kamera. At tantararan! Bagong litro! Bagong alaala. Magte-trending nanaman to sa Twitter!
Sino ba ang ayaw sa litrato? Wala naman siguro masyado. Subalit bakit nga ba tayo mahilig magpalitrato? Sapagkat ito ang tala ng mga masasaya,malulungkot at mga kalokohan ginawa ng bawat isa sa atin sa loob ng isang araw, buwan o taon. Maraming paraan kung paano kuhaan ng litrato ang isang tao, bagay, lugar at iba pa, depende sa kung anong timplada ang nais mo. Maaaring “jump shot”, “bloopers”, formal shot, classpictures, I.D. shot at marami pang iba. Subalit sa lahat ng “mga” marami pang uri nito, isa lmang ang paborito ko. Ang “stolen shot”. Bukod sa nakakaaliw pagmasdan ang biglaang at panakaw na litrato ng mga “biktima”, sa ganitong paraan’y hindi kailangang “photogenic” ka, less effort ika nga. Saganitong paraan din nakikilala kung sino ka talaga, hndi sa likod, kundi sa harap mismo ng kamera.
Kilala sa paglipon ng mga ganitong uri ng litrato  ang Polytechnic University of the Philippines Stolen Shots “PUP Stolen Shots”. Maitatag ang nasabing organisasyon noong Ika-29 ng Marso taong 2011. Ang PUP Stolen Shots ay naitatag sa malikhaing pamamaraan at may sapat na pamantayan upang magkaoon ng kaayusan at maiwasn ang pag aaway-awy tungkol sa mga nakaw na litrato mula sa iba’t ibang sangay ng PUP. (Source: http://www.facebook.com/pupstolenshots).
Walang partikular na tao, bagay, hayop at lugar na pinupuntirya ang mga “sugo” na tagakuha ng litrato. Isang patunay ang larawang ito ng itim na pusa:
               

Makikitang seryoso sa buhay ang pusa, at tila naririnig ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kanyang kulay na itinuturing na “malas”. Dito pa lamang at mapapatunayan nang ang bawat litratong naakukunan ng kamera ay may kaakibat na istorya at pagkakakilanlan base sa nakikita.


 Captured by: PUP STOLEN SHOTS

              


  Isa pang halimbawa ang susunod na litratong ito na nagpapakita naman ng tunay na panyayari sa buhay estudyante:

Kung ating bibigyang kahulugan ang nakikita natin sa litrato, mahihinuha natin na ang dalawang estudyante ay nagtatalo sa hindi malamang kadahilanan. Maaring tungkol sa per, takdang aralin, lalake, at marami pang iba. 

 Captured by: PUP STOLEN SHOTS
                


 Maihahalintulad sa buhay ng tao ang prinsipyong umiiral sa mga “nakaw na litrato”. Sapagkat sa buhay, di naman kailangang “photogenic” ka sa lahat ng oras para masabing isa kang mabuting tao. Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay iisa lamang ang reaksyon ng bawat isa sa atin sa isang particular na sitwasyon. Bukod sa nakikita, dapat din nating alamin ang istorya kung bakit ganoon ang kinalabasan. Sa buhay, maaari tayong mag- “pro-ject” ng iba’t ibang “pose” na ating naisin. Maari tayong umakto ng taliwas sa ating tunay na pagkatao. Subalit darating din ang araw na “mananakawan” tayo ng reaksyon ng iba at malalantad an gating tunay na sarili. Parang “Stolen Shots” lang. Walang daya, katotohanan. Walang banta, biglaan at walang pag papanggap, kundi pag tanggap sa totoong pagkatao ng bawat isa.

                So give your best smile and 1, 2, 3….SAY CHIZ!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento